-
Kinakailangan pa bang maghanap ng mamahalin kung sapat na ang ipinapakitang pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan mo sayo?
-
Behind a smile is a story you would never understand.

-
Nothing’s permanent
Sabi nga ng marami, hindi natin alam kung kailan ba talaga babawiin ang mga ipinahiram sa atin; ang kapaligiran, at kagamitan, maging ang mga mahal natin, at ang sarili nating buhay.
.
Walang permanento. Ngayon, masaya ka, maya-maya pa’y hindi na. Kahapon ikaw ang Hari/Reyna ng Sablay, bukas-makalawa dadaigin mo pa si Willie. Ngayon basa ang pisngi mo ng luha, di magtatagal ay matutuyo rin yan. Sa kasalukuyan ay ramdam na ramdam mo ang sakit, marahil darating ang panahon na maghihilom din ito. Ngayon naghihintay siya para sayo, malay mo bigla siyang mapagod at magsawa. Oo, ngayon andyan siya, pero baka mamaya wala na.
.
Kaya naman higpitan mo ang hawak sa kung ano mang pinanghahawakan mo ngayon hangga’t kaya mo. Wag mong bibitiwan. Baka may maka-angkin ng sayo. Baka tuluyan ka nang mahulog at wala nang makapitan. Baka wala nang magmalasakit at mag-abot ng kanilang kamay sayo para alalayan ka. Baka wala nang mag-lakas-loob na kalungin ka.
.
Tanong ko lang, kung walang permanent sa mundo, eh ano yung permanent teeth? At permanent marker?
(Source: kolokoyxpress)
-
Iba-iba ang nilalandi mo… Eh mas malandi ang syota mo, talo ka!
(Source: kolokoyxpress)
-
Minsan, naiisip ko na lang kung nakasalubong ko na kaya yung taong para sa akin?
Baka naman siya na yung nagbabasa nito?
(Source: kolokoyxpress)
-
Minsan, ginagamit lang natin ang mga rason para lang masabing tama ang mali.
Mali nga eh, at the end of the day, mali pa rin yan. Sa madaling salita, hindi talaga itinatama ng mga rason ang mga pagkakamali natin. Tinuturuan lang tayo nito na magsinungaling at lokohin ang ibang tao, maging ang sarili natin. At ang gawaing ito, kadalasan ay hindi nauuwi sa mabuti.
(Source: kolokoyxpress)
-
Sa panahon ngayon, minsan na lang ako makarinig ng sumasagot ng “Oo,” at “Yes.” Madalas kasi, “Ay, Hindi! Hindi!”
(Source: kolokoyxpress)
-
It is never to late to love, to forgive, to embrace, to kiss; The time is short, we must seize it!
-
Kung sakaling may nagtapat sayo na “crush” ka niya, anong gagawin mo?
Ikaw ba yung tipong:
-
Mahihiya. Nabigla eh.
-
Magmamalaki. Sapagkat may taong nagkaka-gusto sayo.
-
Magpapasalamat. Dahil sa na-appreciate ka ng taong iyon.
-
Dedma na lang. Kung sobra-sobra ang kagandahan/kagwapuhan mo. Normal na lang na may magsabi nito sayo.
(Source: kolokoyxpress)
-
-
Be Lovable…
-
KARMA is not the Best Revenge
“Ma-KARMA ka sana sa ginawa mo sa akin!” Famous line ng mga inapi, inabuso, iniwan, sinaktan, ipinagpalit sa iba. Hindi naman natin masisisi ang ilan sa mga nagsasabi nito sapagkat hindi naman maiiwasan ang magalit at maghinanakit pagkatapos masaktan. Sino ba naman ang magpapaparty at maghahanda ng marami matapos kang ipagpalit at saktan?
.
Sabi nga diba, Huwag mong gagawin sa iba kung anong ayaw mong gawin nila sayo. Kaya hindi mo dapat sila sabihan ng ganyan. Baka ikaw din, sabihan nila, mas malala pa sa inaakala mo. Bahala ka, ikaw din. Imbis na magtatalak ka dyan maghapon-magdamag, Be Thankful. Baka kasi hindi mo alam, sila ang tumutulong sayo para maging matibay. Baka magpagawa ka pa ng mga Tarpaulin para magpasalamat sa kanila. Wala namang magagawa ang galit, mai-stress ka lang dyan. Though mas mabuti para sa kalusugan mo, baka kasi ma-suppressed at bigla ka nga lang mag-collapse, mabatukan ka pa ng nanay mo. Instant KARMA!
(Source: kolokoyxpress)
-
Ang sweet niyo naman…
Iiyak ka rin bukas!
(Source: kolokoyxpress)
-
Handa ka bang pumatay para sa pag-ibig?
Desperado ka ba pagdating sa pag-ibig? O baka naman mahal mo lang talaga siya?
.
Isa sa sampung utos ng Diyos ang Huwag Pumatay. Kahit gaano mo pa man kamahal ang isang tao, hindi ito rason para pumatay ng kapwa. Kasalanan pa rin yan sa mata ng batas at sa mata Niya. Mabuti nang wag basta basta magpadala sa bugso ng damdamin. Dahil kadalasan, nauuwi ito sa hindi maganda.
.
Ayos lang kung inis na inis ka na talaga… sa mga lamok na dumadapo-dapo sa katawan ng mahal mo at sa mga langgam na nakapaligid sa inyong dalawa dahil sa tamis. At sabi nga ng iba, nakakamatay daw ang ilang mga salita. Malamang, nakakapatay din to, kaya mas mabuting sabihan mo na lang siya/sila ng “Panget! Pango! Mabaho!” kesa naman bumili ka pa ng kutsilyo at ice peak para ipanaksak mo lang. Huwag mo lang subukang mag-jogging sa kanto at saka ipaamoy sa ipinalit sayo ang sapatos mo. Papatay ka rin, gago!
(Source: kolokoyxpress)
-
PBB House ka ba? Ang dami na kasing pumasok sayo.
(Source: kolokoyxpress)
-
Minsan, mas ginusto ko pang maging bunso na lang…
Kahit na alam kong marami ang gustong maging panganay rin sila. Hindi naman natin masisisi ang isa’t isa. Madalas kasi, kung ano yung wala sa atin, iyon ang hinahanap-hanap. At kung ano namang meron, iyon ang kadalasang hindi natin makita at hindi masyadong nabibigyan ng pansin. Pero sa ganitong sitwasyon, mukhang malabong mangyari ito. Bukod sa may anak sa labas ang mga magulang mo. At bukod sa nagffeeling-bata ka para lang masabing bunso ka.
.
Hindi kasi madaling maging panganay, lalo pa’t makukulit at pasaway ang mga nakababata mong kapatid. Ikaw ang parating nauutusan. Ikaw ang magpapasensya sa mga kapatid mo. Ikaw ang iintindi ng lahat. Ikaw ang magpapaubaya. Ikaw na! Ma-swerte nga ang ilang mga magkakapatid na hindi pa nauulila. Biruin mo, kung sakali mang mangyari ito, sayo sasandal ang mga kapatid mo. Mas nakakapang-hina ng loob, mas malaking responsibilidad ang kailangang gampanan bilang ikaw ang nakakatanda, kahit pa sabihing may iba pang pamilyang makakasama. At higit sa lahat, malaki talaga ang expectations ng mga magulang mo sayo. Kailangan talagang mag-pursigi para makatulong sa kanila. Madalas pa nga sa isang pamilya eh ipinauubaya na ng mga magulang sa panganay ang mga kapatid para mapagtapos sa pag-aaral, kung talagang hindi na nila kaya.
.
Pero, isipin mo na lang na mas maraming magagandang bagay ang dulot nito sayo. Tulad ko… Ako ang panganay, ako ang unang iniluwal ng aking ina. Ibig sabihin, nung inilabas ako, sa akin na sila tumuon at nagbigay pansin. Ako ang bida! Ibinibigay kung anong luho hanggang sa unti-unti nang lumaki at nagkaroon ng mga kapatid. Naramdaman ko ang pagmamahal nila mama at papa sa akin nang walang kahati (hindi naman sa pagiging selfish). Naramdaman ko na mahalaga ako at kung gaano ako kahalaga. At isa pa sa pinaka-magandang bahagi ng pagiging panganay ay may mauutusan ka!
(Source: kolokoyxpress)